We Are Anime!

Naaalala mo pa ba ang phrase na ito? Minsan noong unang panahon (that’s a decade ago) nagsimulang maglabasan sa TV ang mga palabas na matagal nang hinintay ng mga fans. Sinimulan ng Voltes V at Mazinger Z noong 70’s at ipinagpatuloy ng Dragon Ball Z at Ghost Fighter (Yu Yu Hakusho) noong early 90’s ang anime fandom sa Pilipinas.

Nagsimula ang lahat ng ibalik ang Ghost Fighter sa ere ng GMA 7 at sa wakas ay kumpletuhin ang pagpapalabas ng mga episode (bagay na di ko maintindihan sa ibang istasyon. Ilang anime din ang hindi natapos sa IBC, ABC, RPN at PTV). Pagkatapos noon, bumalik ang Voltes V at Daimos (pero bakit hindi ang Mazinger Z?). At nagsunuran na rin ang ibang mga anime…

Naalala ko rin kung paano nagsimula ang mga cosplay sa Pilipinas, naging seryosong bagay ang paggawa ng mga anime costume. Sa maiksing panahon, napag-isa ang mga kabataan ng bansa ng isang genre sa television (pero syempre hindi pa rin Pacquiao-level ang unification). Ang mexican-telenovela dominated TV noon ay sinubukang labanan ng anime. Naging laman ng primetime ang anime! Mula paggising hanggang bago matulog ang mga kabataan, may anime na mapapanood…

At higit sa lahat, naalala ko ang pagsilang ng isang local anime magazine ~ ang Questor Magazine.

Sampung taon na ang nakalipas. Nasaan na ba ang anime ngayon? Bakit parang hindi na kasing-sigla noong araw? Isang malaking senyales ay ang paulit-ulit na pagpapalabas ng parehong mga anime sa TV. Voltes V na naman? Ghost fighter na naman? Slam Dunk na naman? Oh my god, Princess Sarah pa rin hanggang ngayon??

May nag-iisang magazine ngayon, ang Otakuzine, pero parang senyales rin ng mababang level ng excitement sa anime ang size ng magazine na ito.

Ano kayang pwede nating gawin bilang mga anime fans para manumbalik ang sigla ng anime sa Pilipinas? 

*****JHAJR*****

reference:

Otakuzine image: http://www.crunchyroll.com/showphoto?id=20301566#photo_viewer_module=31

Questor Magazine image: http://img74.imageshack.us/img74/980/img018xg6.th.jpg

Advertisements