05
Dec
08

How Was Anime This Year?

editorialdecember-and-parol

Matatapos na naman ang isang taon at saan ba nakarating ang anime dito sa Pinas?
Sa kasamaang-palad, hindi malayo-layo.

Well, actually, hindi ko nga yata naramdamang gumalaw… To think na mabilis ang galaw ng anime industry sa dami ng naire-release na anime title kada season sa Japan.

Hindi naman tayo katulad ng US na bukod sa pagda-dub ay may mga kasama pang major editing ng Japanese texts into English kaya hindi kaagad-agad naire-release sa kanila ang mga anime videos. Dito, dubbing lang ang ginagawa.

“So bakit halos walang inilabas na bagong anime sa atin ngayon?”

Hmmm…. Malamang dahil wala nang sasalpakan na timeslot ang mga bigating TV station. Puro na lang kasi drama – mapa-Korean, Filipino, Mexican, Argentinian, Chinese at ewan ko kung ano pang mayroon.
Kaya ang mga buhay tuloy natin ma-drama na rin…

Ang anime naman, pabalik-balik na lang ang sa TV.  Pero kung ipatalastas naman, akala mo ngayon lang ipapalabas at talagang kikita.

Ipinalabas na naman ang Yu Yu Hakusho at Slam Dunk pero tinapos ba? May Samurai X pa rin pero may nanonood pa kaya? At ilang mga anime na hindi bigatin (bukod pa sa luma) katulad ng Heidi at Daddy Long Legs at Princess Sarah ay nagpapalitan na lang sa timeslot. Isang taon nang tumatakbo sa ere ang Pokemon.

daddy-longlegs shadow

mean-pokemon

Kung makakapagreklamo lang ang mga character sa mga palabas na iyan at makakapagsabing “tama na” at   pagpahingahin naman sila… pati na rin ang mga mata at utak ng mga manonood; pagpahingahin na rin sa
imahe ng pare-parehong lugar at itsura ng mga anime kasama na ang istorya!

Of course, sa pagsasabi ko ng mga ito, bigating istasyon lang sa TV ang pinatutungkulan ko.
At mukhang isang partikular na channel lang ito ah. Iyong minsang nagsimula ng “Anime Revolution!” sa isla nating ito… Oo, sila nga.

tv-5-anime

Pero teka, dumarating ang TV 5, isang bagong bihis na istasyon para kahit paano ay paligayahin naman  tayong mga anime fans. Ilang palabas na rin ang nagsimulang umere rito at so far, mukhang okay naman. Nakakatuwa pa nga dahil sa wakas pati ang “Next Episode” part ay isinasama sa pagpapalabas.

“Salamat, salamat TV 5 sa paggalang sa anime na ipinapalabas ninyo and, in turn, iginagalang nyo na rin ang mga fans na katulad namin na sa ngayon ay gutom na gutom para sa mga anime shows sa local TV.”

Ngayon, kung maipapalabas nyo lang ang mga anime title na nasa mga isip namin…hmm. Tama, dapat nga ipalabas ninyo at talbugan ang mga bigating istasyon sa paligid ninyo. You have gained the respect of this anime fan…

Minsan, naisip ko bigla, habang hindi nagpapalabas ng anime sa local TV, lalong lumalala ang piracy
rito. And I believe it’s true. Lalong nagki-cling ang tao sa panonood sa internet ng fansubs (katulad ko) na nasanay nang pagsabayin ang tingin sa images at pagbabasa ng subs. At nakakahiya mang aminin pero nakabili na rin ako noon ng pirated DVD para lang malaman kung anong naging ending ng isang anime na hindi tinapos noong 90’s.

Ito ang mga bagay na hindi sana mangyari pagdating ng bagong taon. The anime community in the Philippines is looking forward to more (good) anime shows in the years to come! Sampung taon na mula nang isigaw ng mga fans ang “Anime Revolution!”. Sana maisigaw muli natin iyon, soon!

Christmas lantern from byahilo.com

On a lighter note, Pasko Na Naman! Go and watch anime Christmas episodes and enjoy the season! I’ll be putting up links soon…

Merry Christmas from InuYasha

*****JHAJR*****


0 Responses to “How Was Anime This Year?”



  1. Leave a Comment

Leave a Reply

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s


BLOGZINE: (n) blog and magazine combined

animeHOLIC Cover

not available
December 2008
M T W T F S S
« Nov   Jan »
1234567
891011121314
15161718192021
22232425262728
293031  

This month’s Questor Magazine cover

not available

hit counter

Who is Pepesan?

20 something year-old otaku from the Philippines. I love making up articles around the topic of anime and would love to be a part of a local anime magazine and so I put up this blogzine to try to hone any writing skill I have. Also, the Pinoy anime community is in much need of help right now and so this is but a small contribution from me. Thank you for the support so far!

Proudly Pinoy Logo

Blog Stats

  • 666,086 hits

%d bloggers like this: