Movie For TV, Anyone?

editorial

anime-watching-anime

There was once upon a time in Philippine TV history na nagpalabas ng anime movies ang ilang local channels. If I recall correctly, Gunsmith Cats was shown over GMA on a Monday night. Then in IBC, the Akazukin ChaCha movie was shown in line with other anime titles such as the YuYu Hakusho OVA.

Wasn’t it a  nice time back then? Lalo pa na hindi pa talamak ang piracy noong panahon na iyon.

However, since then wala nang ipinalabas na kahit na isang anime movie or OVA sa local Pinoy TV. And since then, nagsimula ng lumala ang piracy.

Hindi ko naman sinasabing tumaas ang level ng anime piracy directly because of the lack of anime shown on TV.

But won’t it be a good idea na labanan ang piracy by showing anime movies or OVAs on TV once more?

Of course when I say this, hindi ako aware kung paano ba ang sistema ng pagpapalabas ng anime movie. I mean, compared to ordinary movies na ipinapalabas sa sinehan, ibang-iba ang anime (or so it seems in this country). Wala akong alam sa kung anong proseso na kailangang daanan para makapaglabas dito ng isang anime movie. And since the piracy problem here have exploded out of control, lalong wala akong ideya kung gaano kahirap ang dinadaanan para makapagpalabas dito.

So this is a call to local channels concerned (and I do mean the ones who still have concerns for local otakus): Kung may paraan para makapagpalabas ng anime movies dito, bakit naman hindi subukan ulit?

anime-movie

The way I see it, the more movies shown on TV, the less reasons for people to buy its pirated video version. Syempre, tayong mga Pinoy kapag napanood na sa TV, para saan pa kung bibili ng video version? Plus, it’s a tough time. Sa hirap ng buhay, siguro naman mas pipiliin ng tao na manood na lang ng libre sa TV kaysa sa gumastos sa pagbili – at ng ano, pirated?

I have a suggestion for the almost-half-a-year-old-now TV5. I noticed kasi na your station has come to a point na nagpapaulit-ulit na ang nightly movies. Why not try going for anime movies everv Saturday? I bet kahit mag-replay iyan, panonoorin pa rin iyan. Or you could go for more anime with, say, five or four-episode marathon of 1 anime series instead of a movie.

More anime, mas masaya di ba?

_____

questor magazine vol 01 no 03

Whenever I try looking for information about the Philippines’ first anime magazine over the net, nothing helpful comes up. It’s like no one even remembers it. So for this month, I’m going to revisit the pages of Questor Magazine: The Country’s Ultimate Anime Magazine. I hope to make people remember that cool magazine that started out almost a decade ago.

*****JHAJR*****

Advertisements