The New Roar of Revolution

editorial

Sure, there were those days when ABS-CBN 2 and GMA 7 used to be the authorities on anime. Kahit nga ang IBC 13 at RPN 9 nag-share rin sa limelight bilang anime authorities. Even the now-defunct ABC 5.

Pero ika nga ng ilan “pana-panahon lang ‘yan.” Obvious naman kasi na naungusan na silang lahat ng TV 5.

TV 5 towers over others - at least in anime

Kailan nga ba nagsimula ang lahat? Alam ko na. Nung ipalabas nila ang Shakugan no Shana, at pagkatapos ay sinundan ng Code Geass. Then, in-ere naman nila ang Special A at Azumanga Daioh. Di rin nagtagal at ipinalabas rin nila ang Code Geass R2, Tora-Dora, Destiny Warriors, at Fullmetal Alchemist: Brotherhood.

All these in like…oh yeah(!) almost a year.

Hindi naman sa binabalewala ko (o ng mga otaku these days) ang lahat ng nagawa ng ibang stations. It’s just that the past years were times na ang hina-hina ng anime industry dito. Halos lahat kasi nahumaling sa Asianovela at Fantasynovela (o anumang whatevanovela yan).

Yes, maganda naman ang mga palabas na iyon. Kaya lang ang hindi naging maganda, ang anime sa TV hindi naman nagkaroon ng bago.

Sure lumabas ang One Piece, Bleach, Naruto at Gundam Seed in between now and the time of “anime revolution” in this country. Pero pagkatapos nun, ano bang nangyari? Wala.

Ang Koreanovela nadagdagan. And Manga-serye dumating. Ang Chinovela kumalat. At ang anime, natabunan…

Kaya naman da best ang timing ng TV 5 sa pag-ere nito ng anime. At mind you, hindi lang basta pagpapalabas ang ginawa nila. Nakakagulat na ang kinukuha nilang anime ay mga bago at halos kalalabas pa lang.

Ang Special A at Code Geass ay “super hot” pa ng ipalabas nila. Gayun din ang Tora-Dora at Detective Labyrinth na kahit ang manga ay ongoing pa rin. At ang Fullmetal Alchemist, umeere pa rin sa Japan.

Code Geass R2

tora-dora

fullmetal alchemist brotherhood

Now don’t feel jealous (para ito sa mga ibang TV station) kung pakiramdam naming mga otaku ay very much loved kami at special para sa TV 5. I don’t think any other channel have done something this big for local otakus.

Tapos ngayon, dinala pa ng TV 5 sa maximum overdrive ang hatid nito sa mga pinoy otakus. They have teamed up with Cosplay.ph to launch a cosplay video-making contest. For infos on this, check the site here.

Ang tanging glitch lang siguro para sa akin ay ang pagputol nila sa airing ng Ranma 1/2. Sana kasi hindi sa afternoon timeslot inilagay ang comedy anime na ito. Nakaka-frustrate kasi na nanggaling na ang Ranma 1/2 sa dalawang magkaibang channel pero parehong naputol ang page-ere nila.
Sana TV 5 ang unang local channel na makapagtapos ng anime ng Ranma 1/2. Onegai shimasu!

P-chan: Forget that bast*** Ranma and bring the show back.

*****JHAJR*****

Advertisements