13
Sep
09

Exactly How Rare is Anime in the Philippines?

editorial

LT27013

Wala nang paligoy-ligoy. Sa tinagat-tagal ng panahon, gaano karami na nga bang anime videos ang nai-release dito sa Pinas? No, we’re definitely not including pirated stuff here, okay?

Simula ng sumiklab ang Anime Revolution, at sa pagsilang ng Anime-Club noon, sunod-sunod ang nai-release na videos dito. Nariyan ang Magic Knight Rayearth, Fushigi Yuugi, Voltes V, Daimos, To Heart; nariyan rin ang mga OVA like Fire Emblem at Ah My Goddess; at movie na Ghost in the Shell.

Ang buong akala ko nga noon, magiging regular na ang pagpasok ng “copyrighted at totally legal” anime videos dito.

Pero mukhang nagkamali ako—at lahat tayong mga pinoy otaku na umasa noon. Correct me if I’m wrong pero noong nawala ang Questor Magazine, around that time ay unti-unti na ring nawala ang mga anime videos sa videoshops.

Would you believe na may Knight Hunters videos na lumabas noon?

Napakahina ng anime industry dito pagdating sa original videos. At pagkatapos, dumating pa ang bwisit na piracy. Lalo tuloy nitong pinahina ang videos releases dito.

Pero kahit paano ang Pinoy otaku-loving companies gumawa ng paraan para may makapasok pa ring anime dito. Nai-release sa video ang Gundam Seed, Zoids, Beyblade at may mangilan-ngilan pa. Sa kasamaang-palad hindi ito ‘yung talagang ‘da best. Pero ano naman magagawa? Maigi nang meron kaysa wala.

Kahit nga ang Sony/Columbia at Paramount nadala din dito ang videos ng Metropolis, Cowboy Bebop movie, at Paprika. At least mayroon, di ba?

Minsan, napaisip ako: Kung saksakan ako ng yaman at kaya kong bumili ng rights para mag-distribute locally ng anime, sasamahan ko ng freebies yung anime video na ibebenta ko para makapag-compete sa piracy. Perhaps I could get local artists to make something (say, an anime figurine made from a local material?) Basta, para lang maengganyong bumili ang pinoy ng original.

Nakaka-frustrate na sa ibang bansa, nakakapag-distribute naman ng anime videos. Pati nga merchandise eh.

I remember, I saw this Totoro stuff doll from a Ukay-Ukay place at pagtingin ko sa etiketa, made in Indonesia! I quickly asked myself kung bakit dito hindi nangyari ‘yun.

Ganoon na lang ba kasama ang piracy dito? Ganoon na lang ba ka-insensitive ang mga otaku at bibili ng pirated over original? O siguro talagang walang may balak na makipagsapalaran at kalabanin ang piracy.

And yet, sa atin din naman magsisimula ang paglaban sa piracy. Tayo ring mga otaku pala ang dahilan kung bakit nangyari ito.

Pero kung sakaling may maglakas-loob na mag-release ng original na sikat na anime dito, tingin ko maraming otaku ang bibilhin iyon over pirated stuff. C’mon, matalino naman ang mga otaku eh. Alam naman namin na sa pagbili ng pirated, hindi kami nakakatulong sa creators ng anime. Syempre ayaw naman naming bumagsak ang industry na iyon kaya willing kaming makipagtulungan.

Mag-i-isang dekada na pero mabibilang pa yata sa mga daliri sa kamay at paa ang mga nai-release na dito. Sana naman dumating din ang panahon na hindi na magiging tila “endangered species” ang anime releases dito.

*****JHAJR*****


0 Responses to “Exactly How Rare is Anime in the Philippines?”



  1. Leave a Comment

Leave a Reply

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s


BLOGZINE: (n) blog and magazine combined

animeHOLIC Cover

not available
September 2009
M T W T F S S
« Aug   Oct »
 123456
78910111213
14151617181920
21222324252627
282930  

This month’s Questor Magazine cover

not available

hit counter

Who is Pepesan?

20 something year-old otaku from the Philippines. I love making up articles around the topic of anime and would love to be a part of a local anime magazine and so I put up this blogzine to try to hone any writing skill I have. Also, the Pinoy anime community is in much need of help right now and so this is but a small contribution from me. Thank you for the support so far!

Pepesan’s Twitter Birdy

Error: Twitter did not respond. Please wait a few minutes and refresh this page.

Proudly Pinoy Logo

Blog Stats

  • 664,801 hits

%d bloggers like this: