Happy Birthday to Us!!!

new editorial

cake

Forgive me for rubbing it some more that animeHOLIC Blogzine is now 1 year old. Big deal ‘to. Kahit sino naman na nagb-blog naiintindihan siguro kung gaano kasaya ang makatagal ng isang taon, di ba?

Pero iba rin kasi ang animeHOLIC. Di lang ito isang simpleng blog na ginawa para maglagay ng kung anu-ano. As you may notice, tinawag ko itong “Blogzine”. Isang blog at magazine in one!

Dito kasi sa animeHOLIC nagsusulat ako ng mga original articles di lang para sa Pinoy otakus kundi para sa lahat ng makakabasa nito. Ipagyayabang ko na (pasensiya na po, natutuwa lang ^ ^) na di ito tulad ng mga blogs out there na ang inilalagay ay either review ng isang title o kaya naman ay mga links lang sa ibang information sa net. animeHOLIC stands to be more original kahit paano.

Pero syempre hindi naging madali ang pagpapatakbo ng blogzine na ito. Nariyang nale-late na ako ng pasusulat ng articles dahil may trabaho ako o may ibang dapat pagkaabalahan. Gayunpaman, kahit paano nairaraos ko pa rin ang isang buwan ng animeHOLIC, salamat kay Lord (dapat lang pati si God pasalamatan dito ^ ^).

At kung pasasalamat rin lang naman, syempre di ko pwedeng kalimutang magpasalamat sa mga nagtiyagang mag-comment sa animeHOLIC, maganda man o hindi ang comment nila. Tinatanggap ko iyon. Well, minsan tinatapon ko pero salamat pa rin. ^ ^

Kahit hindi madali, ipagpapatuloy ko ‘tong blogzine na ito. It’s my way of celebrating anime for Pinoy otakus out there. Magpaka-noble ba? Well, ba’t hindi? I am a certified otaku after all.

So para sa mga Pinoy otakus, allow me to celebrate one year of animeHOLIC with you. Para sa atin ‘to!

Arigato Gozaimasu

At bago ko makalimutan, this week lalaban na naman ang pambato nating Boxing Champ. Go Manny Pacquiao!!! (just had to add that ^ ^)

*****JHAJR*****

Advertisements